Categories
Ano'ng mayroon?

Ang Pagkawala nila ay higit na mabigat kaysa sa akala ng marami

Magtanong ka man kahit kaninong nag-aalaga ng hayop lalo na sa mga nag-aalaga ng mga pusa at aso ng tungkol sa anong pakiramdam ng nag-aalaga ng mga ito. At ika’y makakatanggap ng maganda at matamis na salita. Bilang nag-aalaga ng aso, nakakatuwa ang bawat pagdating namin sa bahay. Sila ay nagpapansin kung alam nilang kulang ang atensyong binibigay ng kanilang amo. Sila ay ‘di hamak na mapagmahal sa kahit anong sitwasyon. Kahit ikaw ay mayaman man o mahirap, sila ay laging naririyan upang mahalin at paglingkuran ka. Lagi silang nakikipaglaro sa kanilang mga amo para lang mapangiti ang mga ito. Sila rin ay tinuturing na bahagi ng ating pamilya o “four-legged family members”.

Kung minsan ay kaya nilang ialay ang kanilang buhay para sa pinakamamahal nilang amo.

Ang Huling Paalam

Sa katotohanan, may mga bagay na nagtatagal ngunit may hangganan pa rin. Tulad ng isang maningning at mabangong bulaklak, ito’y malalanta rin. Ang mga aso’t pusa ay may kabuuang 13 na taon bago sila ay pumanaw. Subukan mong magtanong muli sa mga nag-aalaga ng hayop kung ano ang pakiramdam ng mawalan ng alaga, sigurado akong walang sasagot ng pagiging masaya. Sa kabila ng pagiging masayahin nila, sa pagiging tapat at tunay na kaibigan ay meron lamang silang buhay na maigsi. Gayon pa man, nahihirapan ang kanilang mga amo na tanggapin kung sila ay sumakabilang buhay na. Ngunit gaano nga ba ito kasakit?

Gaano kasakit?

Ang mga taong hindi pa nasusubukan mag-alaga ng mga hayop ay lubhang mahirap ito maintidihan. Sa kabilang banda, ang mga mananaliksik sa Department of Psychology sa University of New Mexico, nagtanong ang mga mananaliksik tungkol sa mga nag-aalaga ng mga hayop bilang bahagi ng imbestigasyon ukol dito. Hindi na nakakagulat na ang mga sagot ay ang matinding kalungkutan na nararamdaman sa mga ganitong pangyayari at mahirap panghawakan

Sa pag-aaral naman mula sa Hawaiian researchers, na ang lungkot na nararamdaman ng namatayan ng alagang hayop ay tulad ng kalungkutan ng pagkawala ng mahal sa kanilang mahal sa buhay.

Kung ating bibigyang pansin, kung ikaw ay nag-aalaga o nakapag-alaga ng mga hayop at tinuring mo bilang kaibigan o pamilya, ito’y lubhang nakakalungkot hindi ba?

Reffence(s) or link(s)

Ralph Ryback (2016 Aug 12). Why Losing a pet Hurts So much. [Blog post]. Retrieved from https://www.google.com/amp/s/www.psychologytoday.com
Breitenberg(2019, 01 May). Losing a Pet Is More Painful Than Most People Think[Blog post]. Retrieved from https://www.disclose.tv

Design a site like this with WordPress.com
Get started