
Sa mundo ng internet ay puno ng kasiyahan, kalungkutan, mga taong nagbabahagi ng kanilang mga emosyon, mga opinyon at iba pa. Ang iba nga ay umaasa rito upang itaguyod ang mga produkto at serbisyo. Ngunit ang tunay na layunin ng social media ay ang mapalapit ang mga tao sa isa’t-isa. Masaya ka ba na gumamit nito? Maraming social media na pwede mo pagpilian at ang pinakamaganda at popular ay ang Facebook. Maliban sa dito, marami pang mga social media gaya ng Istagram, Tumblr, Twitter, Linkedin at iba pa.
Rebelasyon
Ngunit paano kung ang social media ay may iba pang mundo sa hindi natin kinagisnan? Anong gagawin mo kung sakaling malaman mo. Nandito ang ideya
Paano ko natuklasan?
Noong 2016 sa aking bakasyon ng school year, habang ako ay gumamit ng aking Facebook account, ako ay nagdagdag ng aking kaibigan sa Facebook (friend request). May nadagdag akong kakaibang account, aakalain mong poser (fake identity) ngunit mapapansin mo ring hindi siya ganoon dahil hindi siya nagkukunwaring ibang tao at siya ay aminadong pekeng account. Nakasagutan ko siya sa comment at medyo may pagkabastos ang kanyang mga reply sa akin. Ilang araw lang, nagliham (message, chat) ako sa kanya. Pagkatapos ng ganoong pangyayari ay ginawa niya akong kaibigan at sinali sa group chat. Sa group chat na iyon, maraming mga katulad niya, na tinatawag na dummy accounts. Hindi ko alam ang kanilang sinasabi sa chat dahil ako ay wala pang sapat na kaalaman ukol sa sa mundong ito. Paglaon ng oras ay matagal kaming nag-uusap sa group chat na mahigit isang buwan din ang binilang. Hanggang sa ipiniliwanag nila sa akin kung ano ba talaga ang layunin ng mga dummy accounts. Natutunan ko rin ang mga kanilang salita at hindi nagtagal ako ay napabilang sa kanila.
Ano nga ba ang layunin ng Pagkakaroon ng Dummy Account?
Marami ang pumapasok sa mundong ito sapagkat sila’y napapadpad o sa paraang pag-iimpluwensya
1. Sa Paglalabas ng Opinyon, Saloobin sa pamamaraang madamdamin
Ginagawa nila ito upang mailabas ang mga nabanggit sa itaas, katulad ng ating natalakay sa una, ang paggamit ng Facebook page ay isa ring paraan ng paglalabas ng emosyon sa internet. Ngunit sa kasong ito, dahil ang kanilang paglalabas ay maramdamin ay pwede silang i-report dito. Kaya gumagamit sila ng ganitong fake account upang kahit mangyari ang report ay hindi maapektuhan ang kanilang tunay na pagkakakilanlan.
2. Upang itago ang tunay na katauhan
Tinatago nila ang kanilang katauhan, gusto nilang gumamit ng social media ngunit ayaw nila ipakita ang tunay na pagkakakilanlan nila. Lalo sa mga aktibidad sa social media tulad ng meme creating, shitposting at iba pa, kung ipapakita nila ang kanilanv katauhan, malamang ay maraming magagalit sila.
3. Upang magkaroon kahit papaano ng kausap
Gusto rin nila makipag-usap sa kapwa nila dummy account, dahil ang ganitong gawain ay maluwag sa dibdib dahil hindi mo kilala ang kausap mo, at hindi ka rin niya kilala.
Paano makapasok sa Dummy World?
Bago mo pasukin ang mundong ito, bibigyan muna kita ng babala.
1. Mga bastos kausap ang mga kalalakihan dito at kadalasan naman ay malibog ang mga babae at lalake rito.
2. Pwede kang ireport ng Fake account o Fake identity
Maging ganap na Dummy user
Ang lahat ng gustong makapasok dito ay kinakailangan gumawa ng account na hindi kilala ang pagkakakilanlan.
1. Dapat iba ang iyong profile picture. Huwag kang gagamit picture na pagmamay-ari ng nasa litrato, ikaw ay magiginh poser at hindi dummy, maari lamang ito kung sikat ang pagkukuhanan mo ng litrato at malalaman ng tao na hindi talaga ikaw ang mismong nasa litrato
2. Magdagdag ng mga kaibigang dummy accounts.
Ngunit kung ikaw ay walang makitang mga dummy accounts ay maari mo namang idagdag bilang kaibigan ito. Gustong mag-umpisa maging dummy user at pumasok sa dummy world? Pumunta lamang sa Friend list nito at gawin ang mga sumusunod sa itaas.