
Marami sa mga Pilipino ang nakakaranas ng pagbagal ng takbo ng kanilang mga gadgets. Nakakainis naman talaga ang pagbagal ng takbo ng ating mga mga gadgets lalo na sa ating mga cellphones. Habang ikaw ay gumagamit ng matiwasay at payapa ng iyong gadgets ay bigla ito itong magiging mabagal o minsan ay hihinto. Ngunit ang iba ay nakakaranas ng madalas nito. Ang pagkaranas ng madalas nito ay hindi na normal. May mga salik tayo kung bakit bumabagal sa pagproseso (lag) ang mga gadgets. Halos maihagis ko na rin ang aking cellphone dahil sa problema na ito, kaya minabuti kong bawasan ang pagiging mabagal na proseso nito. Ginawa ko ang nga bagay na sumusunod upang makamtan ko ang aking magandang takbo ng aking cellphone ngayon. Minsan na lang ako makaranas ng pagbagal ng aking cellphone, kung meron man ito’y madalang na lamang. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit bumabagal ang takbo ng isang gadget.
1. Labis na Pag-init (Overheating)
Ang labis na pag-init ay masama sa mga gadgets. Sa paggamit labis ng mga gadgets, hinfi natin maiwasan na bitiwan o tigilan ito, lalo na kung habang naka-charge ito. Ang sanhi ng pagkakaroon ng overheat ay labis na paggamit lalo na kung ito ay naka-charge o konektado sa internet. Oo nga pala, huwag din nating ugaliin na magbabad sa gadgets dahil bukod sa pagmulan ito ng overheat ay maari rin itong pagmulan ng iba’t ibang mga sakit. . Isa pa rin pala ay ang pagiging mababa nito sa CPU. Ang mababang CPU ng isang gadget ay mas mataas ang posibilidad na mag-init.
2. Pagkakaroon ng maraming Applications
Mayroon ka bang mga applications sa iyong gadgets na malaki ang sakop sa imbakan? (Storage). Kung mayroon ka ng ganitong bagay ay mas mataas na posibilidad na maging mabagal ang iyong gadgets. Ang mga malalaking applications ay ginagawang mabagal ang takbo ng iyong gadget lalo na kung mababa ang specification ng iyong gadgets. Halimbawa: Ikaw ay naglagay ng Mobile Legends sa iyong cellphone na ang specification ng cellphone mo ay 1GB RAM lamang at may CPU na 1.2GHz pababa. Ito ay magiging mahirap laruin para sa iyo dahil ang specification mo ay mababa at hindi kayang gampanan ng maayos ang malaking application upang tumakbo ito ng maayos. Maipapayo ko na kung mababa lamang ang specification ng iyong gadget ay iwasang maglagay ng malalaking application, kung ikaw ay gagamit ng official Facebook App, mabuting mag-download ka na lamang ng Facebook Lite dahil ito ay mas mababang gumamit ng internet mb at imbakan (storage).
Mga Solusyon:
Matapos nating malaman ang mga ilang salik kung bakit nagiging mabagal ang takbo ng gadget ay matungo naman tayo sa mga solusyon. Ang mga sumusunod ay kinakailangan gawin upang magkaroon ng karampatang sagot sa problema.
1. Iwasan ang paglalagay ng malalaking applications sa iyong gadgets.
Karamihan sa nakakaranas ng ganito ay ang mga makukulit na tao, kahit alam nilang mababa ang specification ng kanilang gadget ay patuloy pa rin sa paglalagay ng malalaking applications. Kung may gusto kang ilagay sa iyong gadget ngunit alam mong hindi ito kakayanin o baka maging sanhi lamang ng pagbagal ng iyong gadgets ay maaring gumamit ng pamalit na applications.
Halimbawa:
a. Gumamit ng Facebook Lite kaysa sa paggamit ng Official Facebook App.
b. Gumamit ng Messenger Lite kaysa sa paggamit ng Official Messenger App.
2. Pagkakaroon ng punong imbakan (Shortage Of Storage)
Oo nga pala, ito ang dahilan kung bakit mabagal ang takbo ng iyong cellphone, kung ang storage ng iyong gadgets ay puno na, lalabas ang paalala sa taas upang ipaalala sa iyo na kailangan mo nang magbawas ng datos o applications sa iyong gadgets.
Konklusyon
Ang tunay na na paraan upang maiwasan ang mga ganitonh bagay ay ang pagiging mapanuri at mapili sa mga bibilhin. Wala namang masama sa pagiging mapili diba? Upang maging mas sigurado sa buhay at makahinga ng maluwag.