Categories
Ano'ng mayroon?

Mga Pilipino Mahihilig Talaga.

Nahuli ka na bang nanonood ng porn?kung ganon nga, sila ay tatawa sayo at bilang tao, mahihiya ka hindi ba? Ano ang dahilan bakit ka nanonood nito? Ano ang epekto nito sa ating bansa? Ito ang ilang katotohanan na pwede ka matawa.

Kailangan ba natin ito ikarangal bilang Pilipino?

Sa tala ng isang pornsite, rumanggo ang mga Pilipino sa panonood ng porn ngayong taon. Ang mga Pilipino ay ang mga pinakamatatagal manood ng porn ayon sa PornHub. At ang masaklap at nakakairitang pakinggan ay ang mga babae ang mas na nanonood dito. Nahigitan ng mga babae ang mga lalaki sa panonood dito. Bilang isang Pilipino, kailangan mo ba ikarangal na rumanggo ang ating bansa sa negatibong paraan? At hindi ka ba nababahala na mas dumarami ang mga babae na gumagawa nito kaysa sa mga lalaki? Nasaan ang dapat mong ikarangal para dito?

Epekto Sa Pamumuhay

Habang nadaragdagan ang bilang ng mga babaeng nanonood ng porn, ay may isang negatibong epekto ito sa ating bansa. Kapag ang isang tao ay madalas makanood ng malalaswang panoorin gaya nito, maaring makaapekto ito sa kanyang pag-iisip kung minsan nga ay sa pamumuhay. Ang mga taong nanonood ng porn ay ‘di malayong maging sexually attracted. Ito’y lubhang delikado sa buhay ng isang tao hindi ba? Sa kabilang banda, ang mga babaeng nanoood nito ay maaring magsanhi ng atraksyon sa pagtatalik. Sila ay may mataas na posibilidad na magpagalaw sa ibang tao. At sa kadahilanang ito. May mabubuong negatibong epekto.

1. Pagtaas Ng Populasyon

Sa hilig ng mga Pilipino lalo na sa mga Pilipina na manood ng porn, hindi na malayo na tumaas ang populasyon ukol dito. Ang Pilipinas ay may populasyon na 108,770,216. Sa maliit na bansa na Pilipinas, nakakabahala ang ganitong populasyon. At mas nakababahala pa na nakuha natin ang 1.4% na populasyon ng mundo. Mula 1955 tumaas ng hindi bababa sa 86M ang itinaas ng ating populasyon. Ang ilan sa mga kadahilanan nito ay ang hindi sapat na edukasyon, patnubay ng magulang, panonood ng porn, impluwensya ng barkada o kaibigan at hindi ligtas na pagtatalik.

2. Pagtaas ng kaso ng HIV at Aids

At dahil pa rin dito. Ito ay nakaka apekto sa kaso ng HIV at AIDS. Ang Pilipinas ay ang 55th na bansa sa ranking ng HIV at AIDS. Sa nakaraang taon, nakakabahala ang lubhang pagtaas ng populasyon sa HIV at AIDS ang nakakalungkot pa, edad 15-24 ang kadalasang tinatamaan nito. Ang 80% ng kaso na ito ay naitala sa mga nagtatalik na kapwa lalaki. Pagpatol sa sariling kasarian kasabay ng panonood ng malalaswang panoorin ang sanhi nito, kalulangan sa edukasyon, pagtatalik ng hindi protektado at iba pa.

Kahit wala ang mga nasusulat sa itaas o sa ibang kasulatan, ikaw ay isa pa rin namang tao, taong alam ang pagkakaiba ng tama sa mali. Sa panahong ito, laganap ang mga kalaswaan, pagpatay, at iba pang ‘di makataong gawain. Mamili ka ng iyong magiging kaibigan, magtuon ng mas mahabang panahon sa edukasyon. Sa edukasyon malalaman mo ang malalim na katotohanan sa hindi. Dahil sa mundong ito, ang pangarap ay ang pagsira sa sariling pangarap ay pagsira sa sarili at sa sariling bayan.

Kung hindi talaga kayang pigilan, maari ka ring magkaroon ng ligtas at protektadong pagtatalik, at ang isa sa pinakamabisa at pinakasikat na paraan ay ang paglalagay ng condom. Ngunit sa lahat, ang pinakamabisang paraan ay ang pagpipigil sa laman, gabay, kaalaman at edukasyon.

Design a site like this with WordPress.com
Get started