Agaw pansin ang kuha ni Whindy Lyn Dagdagan sa Gapan. Ang litratong ito ay pinagtawanan at nagtrending sa social media na umabot sa 25k reacts and 38k shares sa Facebook. Ngunit bakit nga ba umabot sa ganito ang post na ito? At ano ang meron dito?
December 24, 2019 sa oras na 10:23 ng gabi sa Gapan, Nueva Ecija ay nakunan ang litrato na nagviral sa social media. Ayon sa kumuha, “Napatawa ako kaya kinunan ko hahahah”, na totoo namang nakakatawa nga. Ang litratong ito, ay umani ng maraming haha reacts sa Facebook. Ang babae ay agaw pansin na mas malaki ang kanyang litrato na kanyang minomodelo. Parang mas hot pa ito kaysa sa mami with rice niya. At ang higit na pumukaw ng pansin ay ang pag-uusap ng mga tao patungkol dito na ano ba talaga ang pangalan na mas bagay dito? Mommy Rice o Mami Rice? Ang pagdedesisyon ng magandang pangalan ay mga nasa netizen. Ito ang isang kuha ng nakakatawang comment mula sa post
Kung ikaw ay makakakita ng ganitong litrato, ang tanong ay ano ang mas masarap? At ika’y malilito ano nga ba ang prayoridad sa litrato, ang tao ba o ang pagkain? Kung ako ang tatanungin, wala akong gagawin kung hindi kumain, para saan pa ang iyong pinunta kung pagtatawanan mo lamang ang kainan na ito? Ano ang tunguhin ng isang kainan? Para ba mapatawa o mabusog? Bilang isang tao, normal sa atin ang matawa, ngunit ito’y hindi kinakailangan sa lahat ng bagay. Sa susunod na makaranas ka ng ganitong pangyayari, tandaan mo ang tanong na ito. “Para saan ang iyong tawa kung kailangan itong kainin?”.
