
Marami sa atin ang sumusubok maging matagumpay, hindi lang sa partikular na oras, kundi taon-taon. Ang iba pa nga ay sumusunod sa payo ng mga Fungsoi master upang maging masuwerte ang kanilang mga negosyo at karera sa buhay. Sa laro ng buhay, tayo ay maihahalintulad sa isang gulong na minsan ay nasa itaas at minsan ay nasa baba. Naranasan mo na ba ang magipit sa pera? Ang lahat ng tao ay naranasan na ang mga bagay na ganyan, kahit ang mayaman na tao ay hindi maiwasang magkaroon ng problema pagdating sa pera at partikular sa mga mahihirap.
Narito ang ilang mga bagay na maaring makatulong sa’yo sa kaunting pag-angat sa buhay ngayong taon ng 2020! Ano pang hinihintay natin? Magsimula na tayo!
1. Magtabi o mag-impok ng mga sobrang pera.

Sino ang tao sa mundo na hindi na kailangan ng pera? Sa bawat oras, minuto at segundo ay kailangan natin ng pera. Ang mga bagay na kailangan natin ay dapat bilhin, at upang matamo mo ito ay kailangan mo muna magbayad ng pera. Ang paggamit at pagbili ng mga bagay na hindi natin kailangan o kakailanganin ay pag-aaksaya lamang ng oras at salapi. Sa pag-iimpok at pagtatabi ng mga sobrang salapi ay ang isa sa mahalagang salik kung bakit nagkakaroon ng maluwag na bulsa kahit medyo mahal ang mga bilihin. Ang mga taong mahilig mag-ipon naman ay nakakabili ng mga bagay na lubha nilang kailangan o gusto.
Muling Paalala o Babala: Ang paggamit at pagbili ng mga bagay na hindi natin kailangan o kakailanganin ay pag-aaksaya lamang ng oras at salapi.
Naritito ang mga payo upang maiwasan ang paggastos ng hindi kailangan:
1. Paglilista ng mga gagamitin o kailangan

Maari mong ilista ang mga bagay na kailangan at bilangin sa papel kung magkano ang kailangan paglaanan upang maiwasan ang kakapusan o labis na paggasta ng salapi.
2. Limitadong pagbili ng mga kagustuhan

Ito ang pinakamalaking salik kung bakit nahihirapan ang mga tao na makaipon ng salapi. Ang mga luho ay hindi kailangan sa buhay. Maaring bawasan ang pagbili ng mga bagay na ganito hanggang sa unti-unti na itong mawala sa kagustuhan mo.
3. Paggamit ng alkansiya

Malaki ang papel na ginagampanan ng alkansiya sa pag-iimpok, pagpapadami at pagpapanatili ng pera. Maaring ihulog kaagad ang sobrang salapi sa loob ng alkansiya upang hindi na magamit ito sa mga bagay na hindi kailangan.
2. Huwag umasa sa mga suwerte

Sa totoo lang, ang suwerte ay hindi totoo! Ang ating natatamong kalagayan ngayon ay bunga ng pagpili natin sa nakaraan. Ang mga taong umaasa lamang sa suwerte ay walang mararating (hindi ko sinasabing huwag mo paniwalaan). Mas mainam kung ang pagtitiwala sa sarili at kasipagan ay mas paiiralin kaysa sa suwerte. Kung ikaw ay madalas tumaya ng lotto ay maari mong bawasan ito at itabi nalang sa iba pang mga bagay na kakailanganin. Karaniwan na nating nakikita ang mga taong tumataya sa lotto gamit ang masusuwerteng numerong base sa kanilang kaarawan, ngunit walang sapat na paliwanag ukol dito.
Tandaan: Walang espisipikong makakapagpaliwanag kung totoo nga ang suwerte. Depende nalang sa iyo kung maniniwala ka man. Laging tatandaan na ang pagtitiwala sa sarili at kasipagan ang daan at pinakamahalagang salik kung bakit ang mga tao ay umuunlad.
3. Iwasan ang agarang pagtitiwala

Maraming tao ang nahuhumaling mamuhunan sa maliit na halaga kapalit ang mas malaking porsiyento. Ugaliing mag-ingat at kilalanin ang iyong katransakyon. Marami na ang mga taong nalinlang ng mga ganito lalo na ang mga taong gusto magkapera. Hindi ko sinasabing huwag mo ng gawin ito, ngunit mas maganda na ang sigurado. Maaring magtayo na lamang ng sariling negosyo na mag-uumpisa sa pagiging maliit hanggang sa lumago ito, sa gayon ay mas makasisigurado ka at mas kikita ka pa sa tamang oras at panahon.
4. Mas kaunting oras para sa libreng oras

Ikaw ba ay madalas na walang ginagawa at palaging nasa bahay lamang? Malaki ang posobilidad na hindi ka umangat sa kinalalagyan mo kung patuloy mo na gagawin ito. Gumawa ng mga ilang bagay na makabuluhan at paglilibangan. Sa iyong stratehiya nakabatay sa iyong mahusay na pamamaraan ang tagumpay mo kung gaano ang sipag at isipan ang iyong paiiralin. Ang mga libreng oras ang iyong magsisilbing pahingahan at matapos magpahinga ay maaring bumalik muli sa iyong ginagawa.
Tandaan: Ang mga libreng oras ay para sa pagpapahinga lamang. Matapos ang pahinga ay dapat bumalik sa iyong gawain upang matapos ang mga dapat gawin.