Categories
Blogs Tips

Paano pasikatin ang Facebook page ng wala pa sa isang araw?

Marami na ang mga lumalabas na mga tips sa internet tungkol sa tamang paghawak at pagpapasikat ng Facebook page. Marami ang mga payo at sabi-sabi ukol dito. May hawak akong 33 Facebook pages at ang kalahati dito ay aking matagumpay na naitaguyod. Ako ay nag-umpisa lamang sa isang Facebook page at umaasa sa mga payo ng mga blogger na nakikita ko sa internet ngunit malabo pa rin mapasikat ito kahit na ginawa ko na ang lahat ng kanilang payo. Ginugol ko ang lahat ng aking libreng oras sa pagpapalago nito ngunit parang kulang pa rin hanggang sa ako ay nakatuklas ng bagong paraan at ito ay lumago.

Nalaman ko rin na ang Facebook page ay hindi lang para sa libangan kundi maaring gamitin din sa ibang aspeto. Nalaman ko rin ang kalagahan nito. Nalaman ko rin ang mga bagay na hindi dapat ginagawa at hindi ginagawa. At nakatuklas ako ng isang pambihirang pamamaraan na kahit kauntinh oras lang ang igugulo mo rito ay maari kang makapagtaguyod ng mas matulin na Facebook page. Pero sa nakakalungkot na balita ay nawalan ako ng hilig sa paghahawak ng mga ito kung kaya’t nawala ang kanilang mga insight dahil hindi ko na inaasikaso ang mga ito. Mag-umpisa na tayo!

Ano-ano ang mga uri ng JFF page? (Informal Facebook Pages)

Marami tayong makikitang mga uri ng page ang iba ay halo halo pa nga ang mga nilalaman nito. Natirito ang mga uri ng Jff page or “Just For Fun” o pwede rin silang tawaging Informal Facebook Page”

1. Sadposting page

Ang mga page na ganito ay naglalaman ng malulungkot at masisidhi na emosyon.

2. Shitposting page

Ito yung page na naglalaman ng tekstong nakakatawa. Kadalasang sumasalamin sa nangyayari sa lipunan at opinion ng humahawak sa page.

3. Meme Page

Naglalaman ng nakakatawang litrato ngunit kadalasang sumasalamin sa lipunan o opinyon ng gumawa.

4. Wholesome

Litratong may mga puso sa likruran(background) ng pinopokus bilang pagpapakita ng emosyon.

Formal Facebook Pages

Pagkatapos mo malaman ang uri ng mga JFF page, punta naman tayo sa mga totoo at pormal na page.

1. Company, Organization or Institution

Ito ay para sa isang kumpanya na hindi kinakailangang buksan sa publiko sa paraang magiging isang lokal na negosyo.

2. Local Business or Place

Piliin lamang ang ganitong uri kung mayroon kang isang local business, bukas sa pampublikong uri ng negosyo. Kapag pinili mo ang kategoryang ito, awtomatikong lilikha ang Facebook Place para sa iyo ng ruta, pati na kung saan maaaring mag-check in ang mga tao.

3. Brand and Products

Kapag ikaw ay nagbebenta ng mga produkto. Ang kategoryang ito ang dapat mo na piliin.

4. Artist, Band or Public Figure

Kung ikaw ay isang arist at gusto mong itaguyod ang iyong mga gawa o likha.

5. Entertainment

Kung ikaw ay may libro, tv series, movies, magazine na likha at iba pa. Upang mapadali ang pagpapataguyod nito.

6. Cause or community

Mayroon bang dahilan na gusto mo nang personal? Nakikibahagi ka ba sa isang tunay na mundo o digital na komunidad na hindi nauugnay sa isang samahan? Pagkatapos ito ang uri ng pahina na dapat mong sumama.

Pagkatapos mo malaman ang iba’t-ibang uri ng mga Facebook Pages magtungo naman tayo sa pangunahin at pinakalalaman nitong blog!

Mga maling ginagawa para sumikat ang page. (Don’ts)

1. Pag-aanyaya lamang

Nag-aanyaya ka lang ba na i-like ang iyong Facebook page upang sumikat ito? At kung ganoon ang ginagawa mo, ito ay isang malaking pagkakamali.

2. Dahil sa nilalaman nito (Content)

Ito ang pinalamalaking salik kung bakit hindi umaangat ang Facebook page. Kahit maraming tao ang bumisita sa iyong Facebook Page ay malabo pa rin ito mapasikat o humakot ng mga reaksyon at pagbabahagi (shares and reacts).

Impormasyon na mahalaga

Ngayon magtungo tayo sa pinakamahalagang nilalaman. Naritito ang mga dapat gawin upang siguradong sumikat ang iyong Facebook page. Kung gagawin mo ito ay 60% ang posibilidad na makaangat ang iyong Facebook page. Ito ang aking paulit-ulit at gumagana naman. Malamang kayo ay nagtataka at maitatanong sa akin kung ano ang nangyari sa kalahati ng aking mga labing anim na Facebook pages dahil mayroon akong tatlumput dalawang Facebook pages. Ang kalahati ay aking napaabot ng 2,000+ likes. Marami na rin akong nahawakang malalaking Facebook pages na mahigit sa 100,000+ likes. Ang sagot ay mahirap humawak ng maraming Facebook pages at alam ko na ang mga kalakalan ukol dito.

Ano ano ang mga nararapat gawin upang sumikat ang Facebook page?

Iraranggo natin ang mga pagkakasunod-sunod ng mga hakbang o payo upang mas mabigyang pansin ang mga nasa mas mataas na ranggo dahil ito ang pinakamahahalaga. Mag-umpisa na tayo!

Ang mga sumusunod ay mga paraan

(Ang mga numero ay nakaranggo base sa kanilang kahalagahan)

6. Maglagay ng magagandang nilalaman (Content making)

Marami ang kokontra rito. Marahil ang iba ay aangal dahil para sa kanila ito ang pinakamahalagang paraan upang maging sikat ang iyong Facebook page. Oo at walang duda, ito ang pinakamahalaga at kinakailangan na paraan ngunit mababasa sa pamagat ng sulat na ito ang “Paano pasikatin ang Facebook page ng wala pa sa isang araw?”. Ang hangad ng sulat na ito ay upang makapagtaguyod ng mas matulin at epektibong pamamaraan. Ang paggawa ng nilalaman ng iyong Facebook page ay ang tinigtignan ng iyong mga mambabasa. Ang ilang mga tao sa Facebook ay pumipindot ng like button kung gusto nila ang mga nilalaman nito. Ang mga taong sa nilalaman (content) tumitingin ay ang mga kadalasang nag-aabang ng magaganda at naiuugnay sa kanilang buhay. Ibabahagi nila ito kahit minsan ay walang silang reaksyon mula sa iyong Facebook page status update.

5. Ano ang popular ngayon?

Ito ang isa sa pinakamalaking salik kung bakit maraming Facebook pages ang nagtatagumpay. Maraming tao ang nagbubukas ng Facebook upang maging maalam sa napapanahong isyu, balita, memes at iba pa. Kung ang iyong Facebook page ay naglalaman ng mga sariwang isyu ay hindi malayong basahin ito ng mga Facebook users.

4. Magtalaga ng mga matatalino at aktibong tagapangalaga (Admin and Editor hiring)

Ito ang salik na nakakamangha. Kapag ikaw ay may magagaling at aktibong mga admin at editor, napakalaki ng posibilidad na maitaguyod mo ang iyong Facebook page kahit ikaw ay hindi gaanong aktibo. Kapag ikaw ay masyadong abala sa iyong oras, ang iyong mga katiwala ay gagalaw at hahawak ng iyong Facebook pages.

3. Maglagay ng nakaka-antig o nakakatawang profile picture

Tayo ang mga Pinoy! Hindi mo ba alam na ang mga Pinoy ang umimbento ng ganitong paraan upang maitaguyod ang Facebook page? Hindi ka makahahanap sa ibang bansa ng ganitong paraan. Ang ganitong paraan ay malakas makahatak ng mga reaksyon at pagbabahagi mula sa Facebook. Dahil sa Free Facebook. Ang Free Facebook ay ang mode na iyong gagamitin kung nais mong gumamit ng Facebook ngunit wala kang balance or load. Sa Free Facebook ay wala kang makikitang mga litrato maliban sa mga tao at Facebook pages na nag-uupdate ng kanilang Profile Picture.

2. Mag-isip ng sobrang nakaka-antig o nakakatawang post

Hindi tulad sa ating pangatlo, ito ay paglalagay lamang sa content ng nakaka-antig at nakakatawang post. Ang mga bagay na ganito ay malakas makahakot ng pagbabahagi at reaksyon.

1. Makipag transakyon sa ibang page

Sa lahat ng aking karanasan sa paghawak ng page, ito ang pinakamabisa sa lahat. Kahit hindi gaanong maganda ang iyong content, kahit hindi ka magaling basta ay ikaw ay nakipagtransaksyon sa mga ibang pages at partikular sa mga sikat na Facebook pages. Ang iyong Facebook page ay magkakaroon ng mataas na insight.

Paalala:

1. Ang paghawak ng mga Facebook page ay dapat na maging matiisin at masinop. Anumang aktibidad mo sa dito ay maaring i-report kahit wala namang problema.

2. Pinakamahalaga ang pagbabahagi.

Ang pagbabahagi ay pinakamahalaga upang magtaguyod ng Facebook page. Ito ay isang daan upang mas maraming makakita ng iyong post!

Reference(s):

LEANN PRIEBE (2018 March 21) Which type of Facebook Page should I create? Retrieved from https://tandsgo.com

Design a site like this with WordPress.com
Get started