Categories
Blogs Tips Uncategorized

Paano mapanatili ang magandang takbo ng Facebook Page?

Maraming mga nagmamay-ari ng page ang dumadaing dahil sa pagbagsak ng kanilang mga Facebook page. Ito ang pangkaraniwang nangyayari sa mga Facebook page kapag gumanda ang takbo nito. Oo nga pala ito rin ang mga salik bakit nagkakaroon ng magandang takbo ang mga Facebook Pages.

Pagiging Trending ng Isang post mula sa content

Sabihin na natin na hindi maganda ang iyong content ngunit ito ang tandaan mo, isang post lang ang kailangan upang magkaroon ng magandang takbo ang page mo kahit sandali. Ang isang trending na post ay kadalasang umaabot ang share ng 1,000+ shares at kung video naman ay umaabot ng 50k+ views. Kung marami ang nakakakita at nakakapanood nito, hindi malabong marami rin ang magustuhan ang iyong post. Hindi rin malayo na maraming mag-share ng iyong post. Sa pamamagitan ng share ay humahaba ang takbo ng iyong at mas marami pa ang makakakita ng iyong post at iyong page. Oo nga pala, ito ang pangkaraniwan na salik bakit umaabot ng 1,000+ likes ang iyong Facebook page.

Pagkawala ng Takbo at Pagbaba ng Estatistika

Ito naman ang iyong hahantungan kung hindi mo inayos ang iyong mga post. Maaring bumaba o mawala ang magandang estatistika ng iyong page. Maraming humahawak ng page ang may ganitong karanasan kaya pinapayo ko na magtalaga ng magagaling na ibang admin at editor para sa page mo. May salik bakit naging mababa ang estatistika ng iyong page. Ang salik na ito ang nag-iisa at wala ng iba. Ito ay ang…

Kawalan ng Facebook Shares

Ito ang salik bakit mababa o naging mababa ang iyong Facebook page. Ngunit huwag kayong mag-alala dahil may mga paraan upang maka-iwas dito. Ano-ano naman ang dapat gawin kung nagkaroon ng magandang estatistika ang iyong Facebook Page? Ito lamang ang ating gagawin. May mga apat na paraan upang tumaas ang estatistika ng iyong page at ang mga ito ay ang mga…

Ano ano ang mga paraan upang mapanatili ang magandang takbo ng iyong Facebook Page?

1. Umiwas sa bagay na madaling i-report

Dito nawawala ang mga ilang Facebook pages gaya nalang ng mga meme pages. Ang kadalasang salik bakit ito umiiral ay ang labis na paggawa ng content na nakakasakit ng ibang tao. Kung ikaw ay gagawa ng isang meme post hindi ko ipinapayong tungkol ito sa relihiyon dahil ito ay labag sa community standards ng Facebook. Sa paraang ito maiiwasan ang pagkawala ng iyong page at pagpapanatili ng estatistika nito. Oo nga pala, bukod sa wala kang nilalabag kung ito ang paraan na iyong ginagamit ay maari rin gumanda ang imahe ng iyong page.

2. Maglagay ng interval o oras na agwat ng bawat post

Ang mga sanay humawak ng page ay laging naglalagay ng interval sa kanilang mga post. Ano nga ba ang interval?

Ang interval ay ang agwat ng oras mula sa naunang post hanggang sa sumunod dito. Ang isang page na walang interval ang post ay maaring hindi epektibo ang pagpapanatili ng estatistika. Ang hindi gumagamit ng interval para sa kanilang page ay kaunting tao lamang ang makakita sa mga post dahil natatabunan o nauunahan ng bagong post papunta sa news feed ang iyong mga nakaraang post.

3. Panatiling mas marami ang Shares kaysa sa Like and Reacts

Alam niyo ba kung bakit ito ang aking nilagay sa bilang tatlo? Dahil ang shares ay ang nag-iisang daan kung bakit sumisikat ang isang post. Subukan mo humanap ng nag-viral o nag-trending na post kahit walang share? Wala hindi ba? Ang shares ay ang daan upang kumalat at maging marami ang nakakakita sa iyong page. Kung marami naman ang nakakakita nito ay hindi malayong naraming maglike at magshare nito. Sa pamamagitan ng ganitonh bagay ay napapantili ang insight ng page.

4. Tumingin sa Insight oras-oras

Ang mga taong nagbabahagi at nakakakita ng page mo ay makikita lahat sa insight. Mahalaga ang ganitong gawain sapakat sa ganitong paraan ay nababantayan natin ang mga dapat at hindi dapat mangyari sa bawat oras. Kung may mga alinlangan at nakikita mo na ang “Post Reach” Ay mababa na, dapat mo pangalagaan ito at dapat maging maingat sa pag-post dahil sa pagbaba ng insight ay minsan ng nawala ang aking Facebook Page. Bago ito humantong sa Dead Page. Dead Page ay ang may mga likes ang iyong Facebook Page ngunit ala namang nakakakita sa mga post nito at walang nagre-react.

Design a site like this with WordPress.com
Get started